Mga Manginginom: jamel, allen, karl, pader, julius, richard at ako
Place: pica pica
biernes na naman ang lumipas at nag kasama sama na naman tayo. bawat lagok ng alak, bawat hithit ng yosi at bawat dukot ng pera sa bulsa (kahit wala ng maidudukot) masaya ako sa bawat minuto na lumilipas. bawat biernes may kulang na kasama pero sa susunod na biernes may dadarating at babagong makikilala. masaya ang buhay ko sa LM walang pagsisi sa paglipat kahit hindi ako ganun kasipag mag aral nakaka raos parin. ganun ang buhay sa LM todo ang hirap kay atty pero nandyan ang mga kaibigan para damayan ka ng mga salitang..."akala mo ikaw lang?! tado ako rin hindi nga aral!" (napaka inspirational diba?!).
sa mga kaibigan ko salamat sa lahat ng mga masasayang araw ng pag sasama..kay JAMEL na tumatayong pinuno at taga pag bantay sa amin. kay KARL na kasa kasama ko sa pag yosi at tunay na mang pupuntahan ako mapa recto, lepanto or gastam gate man sasamahan ako para lang mailibre ko kasi ng mountain dew/ choco banana shake. haha. kay ALLEN na sobrang mahal ang ue ang talaga pang nag sacrifice ng isang sem. haha ulit. kay pader a.k.a ALLEN ang bagong pasok sa lm na kapit barangay ko pala. kay TAN na kahit lagi inaaway ni karl eh nandyan parin to share his wonderful wisdom and broad knowledge. kay JULIUS kahit emo ka pre naka sundo kita you know how much i hate emo pero isa ka pa sa naging pinaka close ko sa lm at ang nag pakilala sakin kay "balot". si RICHARD ang kataas taasang presidente ng lm wooh! (gago! bumaba kana sa posisyon mo!) ang una kong naging ka close at ang ka-bituka ko sa lahat ng bagay at ang ka labasan ko ng loob sa mga bagay bagay lalo na kay "balot" ko.
kay hirap isipin na iba sa inyo mawawala na next year. sino na ang makakusap ko about hollywood, poilitcs, trivia? (jamel) sino na ang kadamay ko sa pag yosi ko tuwing alas 3 ng hapon sa gastam/lepanto? (karl) sino na kabiruan ko at ka shit talk, pag tingin sa mga magagandang babae tuma tambay sa batibot? (chard). my LM days wouldnt be the same kung di ko kayo na kilala. bawat yosi/alak/murahan ay mahalaga dahil dun ko kayo nakilala. at ang mg babae sa buhay buhay natin, bawat isa satin may mga babaeng binibigyan ng importansya torpe man o mahiyain ang mahalaga nandyan ang bawat isa para bigyan ng lakas ng loob ang isat isa.
so mga pare, sa mga susunod na biernes na darating magkulang man or mawalan ng pera kaming bahala sa 'yo basta wag ka lang mawawala sa
inuman...
No comments:
Post a Comment